Magandang araw po sa inyong lahat mga taga subaybay ng aking sulat, Unang araw po ito ng desyembre taong 2011 kung saan ito rin ang taon at araw na spisyal para sa akin dahil kaarawan po ng aking nag-iisang anak na si Sacred Heart Padrones. Lubos po akong malongkot dahil sana ay magkasama kami sa araw na ito sa aking pamilya pero sadyang hindi natin hawak ang panahon at daloy nang ating buhay na mahadlangan ang isa sanang spisyal sa aking pamilya para sa pagdiriwang sa kaarawan ng aking anak ngayong araw sa kanyang pang tatlong taon. Gusto ko man gawin ang lahat sa abot ng aking makakaya subalit pinaglayo kami ng landas kung saan ito ang nakahadlang sa aking mga plano sa araw na ito kung saan nasa Lanao Sur ang aking anak at ako naman ay dito sa Lanao norte at ang aking asawa naman ay nasa Cagayan de oro City.
Para sa aking anak at asawa, Sana po ay patawarin nyo ako sa aking pagkukulang sa inyo na di ko nagawan ng paraan ang lahat upang ipagdiriwang ang kaarawan ni Sacred Heart. kulang man ako sa mga materyales na bagay pero isa lang masasabi ko sa inyo MAHAL NA MAHAL KO KAYO KAPAMILYA KO. ulitin ko po patawarin nyo ako............
Hanggang dito nalang po ang aking sulat na ito.....GOD BLESS US ALL...
Emerson S. Padrones 12 / 1 / 11